I was cleaning up my gmail mails when I bumped into this. It was written by my girlfriend two years ago, sadly we have different and conflicting priorities in life so we decided to separate. She was supervising a graveyard team that time in a call center in Ortigas Center and it was really hard catching up her schedules and spend time together. Likely if you are in the same situation now, good luck to you ;).

AKO, IKAW AT ANG PROGRAM
by: caramel_still

kayhirap pala
kapapag kachat mo ay abala
sa paggawa ng program
lalo na kung siya ang iyong sinta
sapagkat kailangan
samahan mo siya sa twina
khit na ba sa mga mensahe ko
ay di agad nabibigyang pansin ng aking sinta
kung minsa’y ako’y naiinis
dahil ang program niya ang lging nasa isip
subalit sa isang banda
aking napagtanto
na dapat kong unawain
na ang bagay na iyun ang kanyang tungkulin

kung minsan naiisip ko
sana naging program na lang ako
isang program
na lagi niyang maiisip
lagi niyang kasama
na hanggang sa pagtulog
ay kanyang maiisip
sa bawat pag-uusap namin sa chat
madalas sa paghihintay ko ng mensahe mula sa kanya
kung ano ano ang aking nasasambit
nagagawa .. kagaya ng pag-awit ng aming theme song
“lalalalala”

pagsulpot ng mga smiley na nakakatuwa
kung minsan ay deadma pa din siya
sa haba pala ng mensahe ko
ang huling parte lang pala ang kanyang nabasa
di ko alam kung ako’y maiinis malulungkot o matatawa
sa pagsagot mo sa tanong ko ” honey magreply ka nman”
” yes hon, nandito lang ako”
dahil kung anong haba ng mensahe ko ay
kabaligtaran naman ang sa’yo

madalas sinasabi ko mamimiss mo din ako
mamimiss mo din ang pangungulit ko
kapag dumating araw ang ym id ko ay offline lagi
nawa’y mag ppm ka din agad sa akin :D
ayokong isipin na darating ang araw na iyon
sapagkat nais kong kasama kang palagi
kahit na ba madalas sa chat lang tayo magkausap
kahit na ba matagal kang magreply
kahit na minsan lang tayo magkita
kahit na ba madalas ay abala ka
abala sa program… program at program

sa kabila ng lahat … mahal pa din kita
salamat sa iyo at sa program …
program na gaya ng biro mo ay aking pinagseselosan
sa totoo lang aking sinta, ay hindi naman
Lahat ng iyon ang paglalambing lamang
Ng dahil sa program ako’y nakalikha
ng isang simpleng tula
simpleng tula na  para sa iyo
sana’y sa paraan na ito
ay mabatid mo ang kahalagahan mo sa buhay ko

ang tanging nais ko’y manatili tayong masaya
masaya sa piling ng isa’t isa…
masaya sa mundong ating ginagalawan
ako, ikaw at ang program … :)


  1. ragingmon

    wow!!

    ang ganda naman ng tula.

  2. bananachoked

    hmmmmm….

    *bananachoked rolling eyeballs

  3. Jon Limjap

    Hahaha. Ang asawa ko sanay na sakin. Ever since nag-meet kami ganyan na. So it’s not new. Understandably kapag binabasa mo YM archives namin puro BUZZ! makikita mo. Hahahaha.

  4. Schumey

    Loved the poem, Rodel. Thanks for reminding us how important our loved one is.

  5. Ted

    Nice poem.

  6. ryansalvanera

    Bro, pagamit ha! I’ll include you in the credit of course ;-)

Leave a Comment